Pusong binihag

Noong una pa lang kitang nakita,
Ako'y may nadarama na,
Paano kasi ika'y sadyang kahanga-hanga
Ako'y nabighani sa yong maamong mukha.

'di na bali kung di mo ako kilala,
malaman mo na lang na ako'y
isa mong tagahanga,
na handang sumuporta sa yong ginagawa
At nandito kapag ikay nanghihina...

Hay naku! ?Ano ba 'tong nadarama ko
Alam kong hindi mo ako gusto,
Ngunit bakit ganito? tulungan mo naman ako!
Nanghihingalo na 'tong pusong
binihag mo......

0 comments: